Kilalanin ang Napaka Gandang Anak ng Veteran Aktor na si Joel Torre

Hindi na nakakagulat na marami sa anak ng mga kilalang personalidad sa showbiz ang nagtataglay rin ng magagandang itsura, kaya naman inaasahan na rin na susunod ang mga ito sa yapak ng kanilang mga magulang lalo na kung namana rin nila ang talento ng mga ito. Gayunman, hindi lahat ay nais maging sikat na artista kaya ang iba ay mas piniling tumahak ng kanilang sariling landas kagaya na lamang ng isang anak ng veteran actor na si Joel Torre.




Ang 58 anyos na aktor at producer na si Joel Torre ay kilala sa husay nito sa kanyang trabaho at minsan na rin itong tinanghal na best actor sa ika-17 Puchon International Fantastic Film Festival para sa mahusay na pagganap nito sa dramang “Amigo” noong taong 2010. Ilang taon na rin ito sa industriya at hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa harap at likod ng camera.

Kasal ito kay Christy Azcona at nabiyayaan silang mag-asawa ng dalawang supling na babae, isa na rito ang 23 anyos na si Maria Raphaela Torre o Marela sa mas pinaikling tawag.





Nangingibabaw ang taglay na kagandahan ni Marela lalo na dahil kapansin-pansin ang pagkakahawig nito sa aktres na si Julia Montes. Pareho silang mayroong maamong mukha ngunit magkamukha man ay mukhang walang balak mag-artista itong si Marela.

Ibinahagi mismo ng ina nitong si Christy sa isang interview na sariling desisyon umano nito ang hindi pagpasok sa showbiz, gayunman, minsan na itong naging cover ng YES! magazine. Imbes na umarte sa harap ng camera ay mas hilig nito ang pagpipinta at landscaping. Madalas rin itong nagta-travel lalo na kung saan may dagat at nawiwili rin siya sa sports, sa katunayan ay makikita sa Instagram nito na nagba-boxing rin ito.




Nagtapos ang dalaga with honors sa major na Consular and Diplomatic Affairs sa De La Salle University in Saint Benilde, patunay na hindi lamang maganda ito kundi matalino rin.



Walang kasiguraduhan kung hindi na talaga ito kailanman mag-aartista ngunit sa ngayon ay malabo pa dahil abala itong gumawa ng kanyang mga sariling yapak na malayo sa limelight.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *