Sheena Halili, Ibinahagi ang Kaniyang Paraan sa Pag-iingat Laban sa Covid19 Tuwing Uuwi Galing Trabaho ang Kaniyang Asawa

Napakalala na nga ng sitwasyon ngayon sa siyudad ng Maynila dahil napakarami ng kaso ng Covi-19 roon na pati mga Frontliner Health Workers ay nahahahawaan na rin ng impeksyon.




Kaya naman ang dobleng pag-iingat ay importante lalo na kung tayo ay lalabas sa ating mga bahay dahil hindi natin alam na posible na anting maiuwi ang virus sa ating mga tahanan.

Bilang pag-iingat, ibinahagi ni Sheena Halili ang ilang mga gawain nila sa kanilang bahay sa tuwing lalabas ng bahay ang kaniyang asawa.

Dahil galing sa trabaho ang kaniyang asawa, nag-iingat sila na protektado ang kanilang bahay sa tuwing uuwi ito ng 6pm sa gabi.

Laht ng gamit na galing sa labas ay ini-isprayan nila ng disinfectant, lysol, alcohol at pinupunasan ng wipes na may alcohol at direcho ito sa sterilizer. Inihahanda na nito ang dalawang basket upang lagayan ng mga gamit na dala ng kaniyang asawa sa labas tulad ng cellphones, susi at damit.




“Tanggal ng damit sa labas, tapos diretso laba at diretso ligo si Jeron [kaniyang asawa], Naka-open na ang pinto ng bathroom at naka ready na ang gagamitin niya dahil bawal siyang humawak ng kahit ano like doorknobs at iba pa. Kahit nasprayan ko na siya ng alcohol sa kamay, bago siya maligo wash muna siya ng hands with soap dahil pag diretso shower siguradong mukha mo ang unang hahawakan”,caption nito sa kaniyang Instagram post.

Bawal rin daw muna itong pumasok sa master’s bedroom kaya sa guest bedroom ito gumagamit ng banyo para maligo.

Ibinababad rin nila sa isang shoebox na may disinfectant ng isang oras ang sapatos na ginamit ng kaniyang asawa at pa-aarawan kinaumagahan.





Maging ang baunan ng kaniyang asawa ay ibinababad sa warm water  at inisprayan ng alcohol at pagkatapos ay huhugasan ng maigi.

“I make sure na bago at clear na ang trashbag, sprayan ang doorknobs, remotes, switch ng lights, bathroom at sofa kung saan kami madalas nagtatambay…” pagbabahagi nito.


Tuwing umaga raw ay binubuksan rin ni Sheena ang kanilang mga bintana upang makapasok ang fresh air. Araw-araw niya raw itong ginagawa at hindi siya mapapagod na mag-ingat dahil ibinibigay niya lamang raw ang kaniyang best upang mapanatiling malinis at komportable ang kanilang bahay.

Ang pagiging maingat lalo na sa panahon ngayon ay importante dahil hindi na natin kaya pa na tumaas pa ng tumaas ang bilang ng mga kaso ng covid19 sa kadahilanan na hindi na kaya ng mga ospital na tumanggap pa ng mga pasyente. 



Kaya Goodjob Sheena! Godbless your family!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *