Kilalanin ang Ate ni Ivana Alawi na Kasing-Ganda Niya, Siya ay si Amira Alawi!

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa isang maganda at sikat na Youtube vlogger na si Ivana Alawi? Ang 23-taong-gulang na artista-modelo at isa sa pinakasikat na Filipina at YouTuber na si Ivana Alawi ay madalas na natatampok ang kanyang nakababatang kapatid na si Mona Louise Rey sa kanyang mga vlog.




Ang magkapatid na ito ay ang isa sa pinaka sikat na mga vlogger kung saan ay pinapatawa ang maraming netizens dahil sa kanilang mga ginagawang pranks sa isa’t isa. Kasabay nito ay ang paghanga sakanila dahil sa kanilang matibay na pagsasama bilang magkapatid.

Ang kanyang dakilang pagkatao ay isa sa mga kadahilanan kung bakit si Ivana ngayon ay isa sa pinakatanyag at sinusubaybayang sikat na tao sa iba’t ibang mga platforms ng social media, na mayroong higit sa 4.6 milyong mga subcribers sa kanyangYouTube channel.






Ang ilang mga tao ay maaaring napansin na sa karamihan ng kanyang mga vlog kung saan ang madalas niyang kasama ay ang kanyang ina at bunsong kapatid na si Mona. Minsan naman ay may ilang mga pagkakataon kung saan ang kanyang kapatid na lalaki ay bahagi din ng kanyang mga vlog.

Subalit alam niyo ba na mayroon din palang nakakatandang kapatid si Ivana? Siya ay si Amira Alawi, na sinasabing pantay ang kanilang kagandahan katulad ng mabilis na pagsikat ng Kapamilya star na ito.

Katulad ni Ivana, si Amira ay mayroon ding natatanging kagandahan, ang kanyang magagandang mata, nakakaaliw na ngiti, at curvaceous figure ng katawan na kung magpapasya rin siyang makapasok sa showbiz sa hinaharap ay maaari rin siyang magkaroon ng isang promising career at hindi rin malabo na mabihag niya ang mga puso ng mga netizens.



Makikita sa kanyang social media account na malapit din siya kay Ivana at madalas na pinupuri ang kanyang kapatid sa kanyang mga post, pinatunayan lamang nito na siya ang naging number one fan niya simula pa lang.





Madalas inaabangan ng mga netizens ang mga vlogs ni Ivana kung saan nais rin nilang makita at masubaybayan ang kapatid niya na si Amira na bumihag rin sa mga mata ng mga netizens dahil sa kagandahan rin nito subalit mas pinipili ni Amira ang kaniyang privacy kaya hindi ito gaanong madalas makita sa social media.






Nais nito na magkaroon ng normal at simple life na malayo sa mga mata ng netizens kaya nanatili itong private at wala sa mga posts nina Ivana.

Leave a Reply

Your email address will not be published.