Napakaganda na Ngayon ng Babaeng Anak Nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez! Dalaga na Siya!

Maliban sa kagwapuhan ng aktor na si Aga Muhlach at kagandahan ng beauty queen na si Charlene Gonzales ay kilala rin ang mag-asawa sa pagkakaroon ng kambal na anak. Isang lalaki at isang babae ang kambal na pinangalanan nilang Andres at Atasha. Ngayon ay 19 anyos na ang dalawa at talaga namang ganap na dalaga at binata na, handa na rin silang magsipasok sa kolehiyo.



Halos nasubaybayan na ng mga tao ang paglaki ng kambal sa paglipas ng panahon at ngayong maituturing na adults na sila ay napapansin na ng madla ang kanilang mga taglay na katangian, lalong-lalo na ang dalagang si Atasha.




Sa social media ngayon ay nakuha ni Atasha ang pansin ng mga netizens dahil sa angking kagandahan nito, bagay na hindi naman na kagulat-gulat dahil nagmana silang magkapatid sa maganda at gwapo nilang mga magulang. Talagang artistahin ang itsura ni Atasha ngunit sa ngayon ay mukhang nais muna nitong pagtuunan ng pansin ang pag-aaral bago ang lahat.





Sa United Kingdom umano papasok sa kolehiyo si Atasha kaya naman malalayo ito sa kanyang pamilya. Ang kakambal naman nitong si Andres ay sa USA balak mag-aral. Ito ang unang pagkakataon na malalayo nang husto ang magkapatid sa kanilang mga magulang kaya naman todo bonding ang mga ito sa mga natitirang panahon bago sila lumipad paalis ng bansa. Naging abala ang ama nilang si Aga nitong nakaraan dahil sa trabaho kagaya ng paggawa sa palabas na pinagbidahan nito, ang Pinoy adaptation ng “Miracle in Cell No. 7” na pumatok talaga sa takilya at umantig sa puso ng mga manonood.




Ngayong mayroong enhanced community quarantine ay may dahilan ang pamilya Muhlach upang manatili sa kanilang bahay at makapagsama-sama. Natigil rin ang trabaho ng mga aktor at aktres na kagaya ni Aga kaya mas marami na itong oras ngayon para sa pamilya. Paniguradong malulungkot at mangungulila nang labis ang mag-asawa sa kambal kapag nakalipad na ang mga ito, ngunit kahanga-hanga na hinayaan nila ang mga ito na gumawa ng kanilang mga sariling landas.

Hindi pa malinaw kung talagang walang balak pumasok sa showbiz si Atasha at Andres ngunit sa kasalukuyan ay magsisipagtapos muna ang magkapatid sa kanilang pag-aaral.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *