Goals! Ito ang Sikreto Nina Lucy Torres at Richard Gomez Kaya Nanatiling Matatag ang Kanilang Relasyon

Sa mundo ng showbiz, hindi na bago ang makarinig ng balita tungkol sa paghihiwalay ng mga dating magkasintahan o mag-asawa lalong-lalo na sa Hollywood. Dito sa Pilipinas ay nangyayari rin ito ngunit marami pa rin naman ang nananatiling matatag ang relasyon sa paglipas ng mga panahon, kagaya na lamang ng mag-asawang Richard Gomez and Lucy Torres.





Buwan ng Abril taong 1998 nang magpakasal ang dalawa sa isang engrandeng selebrasyon na kinonsiderang “wedding of the year” noong mga panahong iyon. Naganap ang kanilang pag-iisang dibdib sa St. Peter and Paul Parish Church sa Ormoc, Leyte at inere pa ito sa telebisyon. Mula noo’y masayang nagsasama na sina Richard at Lucy at kalaunan ay nabiyayaan sila ng isang anak na babae na pinangalanan nilang Juliana, ngayon ay 19 anyos na ito at handa na ring pumasok sa kolehiyo.



Nitong nakaraang taon lamang ay nagdiwang ng ika-21 taong anibersaryo ang mag-asawa, bagay na talaga namang kahanga-hanga lalo pa at marami ang ni hindi nagtatagal man lang ang relasyon.

Kwento ni Richard, una nitong nakilala si Lucy noong mag-shoot silang dalawa para sa commercial ng isang shampoo brand sa Lake Caliraya taong 1993. Ibinahagi naman ni Lucy na hiningi ng aktor ang kanyang kamay sa bisperas ng kanyang ika-23 kaarawan.

Ngayong 2 dekada nang masayang nagsasama ang mag-asawa, ang tanong ng mga tao ay kung ano ang kanilang sikreto? Para kay Richard, mahalaga na nag-eenjoy ang isang couple na gawin ang mga bagay na parehong hilig nila kahit pa sila ay maging abala sa ibang bagay.


Sa kaso nila ay mahilig umano silang mag-travel kaya ito ang madalas nilang gawin tuwing may pagkakataon. Ayon naman kay Lucy, nakatulong rin daw na pareho nilang pinili ang mas simpleng buhay at low maintenance rin daw sila kaya hindi kailangang gumawa ng mga bagay na sobrang enggrande tuwing may mga okasyon.




Sa ganitong paraan ay mas naaappreciate umano nila ang isa’t-isa at wala ring pressure tuwing may kailangan silang ipagdiwang.






Sa kasalukuyan ay abala ang mag-asawa sa pagsisibli sa publiko, si Richard bilang Alkalde ng Ormoc at si Lucy bilang 4th District Representative ng Leyte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *