Ngayon na may COVID-19 ay nahinto ang normal na takbo ng buhay ng mga tao sa halos buong mundo at kabilang na rito ang Pilipinas. Dahil rin dito ay nahihirapan ang karamihan na makabili ng mga sariwang prutas, gulay at iba pang mga pagkain dahil sa kakulangan sa supply o kaya problema sa pagpapadala ng mga ito mula sa mga taniman patungo sa iba’t-ibang parte ng bansa.
Sa ganitong panahon ay swerte ang mga taong may sariling taniman dahil ano pa man ang mangyari ay lagi silang may makakain, kagaya na lamang ng mga artistang ito na may sariling garden para sa kanilang mga prutas at gulay:
1. Liz Uy
Ang fashionista at stylist na si Liz ay nagsimula ng kanyang munting hardin nitong nakalipas na buwan ng Pebrero lamang. Kasama nito sa ilang mga litratong kanyang ibinahagi sa Instagram ang anak nitong si Xavi na mukhang naligayahan nang husto habang tumutulong magtanim kasama ang mommy nito.
2. NERI NAIG-MIRANDA
Ayon sa kwento naman ng may-bahay ng lead Vocalist ng bandang “Parokya ni Edgar” na si Chito ay hindi raw nito talaga hilig ang lumabas ng bahay, sa katunayan ay mas gusto nito ang mag-asikaso sa bahay at mag-alaga ng garden. Sa unang araw pa lang ng ECQ ay ipinakita ni Neri ang mga gulay na naani nito kasama ang ina niyang si Lita, kabilang sa mga ito ay mga kamatis, sili, talong at mga root crops.
3. TEAM KRAMER
Sa malawak na mansyon ng pamilyang pinangungunahan ng mag-asawang Doug at Cheska Kramer ay mayroon silang bakanteng lupa sa bakuran na kanilang tinaniman ng mga puno at halaman. Magmula noon ay tuloy-tuloy na ang kanilang pag-aani, bagay na laking ipinagpapasalamat ng pamilya sa itaas dahil sa kanilang natatanggap na mga biyaya.
4. MYLENE DIZON
Sa Instagram ng aktres ay makikita ang mga litrato nito at ng kanyang organic farm sa may Silang, Cavite. Ang payo nito sa mga tao ay ang magtanim rin ng kanya-kanya nilang mga gulay kahit pa gaano kaliit lamang ang lupa para kung ano man ang mangyari ay may sariling mabubunot.
5. ZSA ZSA PADILLA
May malaking farm naman ang singer at aktres na si Zsa Zsa sa Casa Esperanza, Lucban, Quezon kung saan may mga pananim itong talong, radish, kale at marami pang iba.
6. COCO MARTIN
Sa nakalipas na taon ay matatandaang ipinasilip ni Coco ang kanyang malagong garden kung saan maraming nakatanim na iba’t-ibang mga halaman at gulay. Patunay ito na sa kabila ng kanyang kasikatan ay nais pa rin nito ang mas simpleng buhay kagaya na lamang ng buhay sa probinsya.