Sino sa Inyo ang Naaalala pa si Vanessa Del Bianco? Ito na ang Buhay Niya Ngayon Matapos sa Showbiz

Karamihan sa mga teenager noong dekada ’90 ay paniguradong nahumaling sa dating palabas sa telebisyon na “Gimik”. Pinagbibidahan ito noon ng mga sikat na aktor at aktres na karamihan ay may mga kanya-kanyang katambal o kapareha.



Isa sa mga aktres na napapanood sa nasabing palabas noon ay si Vanessa del Bianco, isa itong Filipina-Italian na modelong naging artista kalaunan matapos nitong manalo sa Model Search America. Sumali rin ito sa Star Circle Quest Batch 4 sa ABS-CBN at iyon ang nagbigay daan upang makasali ito sa “Gimik” na unang inere noong taong 1996.

Naging matagumpay ang karera ni Vanessa mula noon at nasundan pa iyon ng mas maraming proyekto. Napanood ito sa iba’t-ibang mga palabas, pelikula at lumabas rin ito sa mga palatastas, kabilang na ang ginawa nito para sa isang anti-dandruff na shampoo. Taong 1998 naman nang maging ganap na host ito ng isang noontime show sa kaparehong network na “Magandang Tanghali Bayan” (MTB) kung saan nakatrabaho nito sina Willie Revillame, Randy Santiago at John Estrada.




Dahil sa kasikatan nito noon ay hindi naiwasan na masama ito sa mga intriga at kontrobersya, isa sa mga pinakamatindi rito ay ang pagkakaroon nito ng relasyon sa kapwa host nitong si John Estrada na noo’y kasal pa sa dating asawa nitong si Janice de Belen.



Kalaunan ay natapos rin ang nasabing show, gayunman isang taon naman ang nakalipas nang aminin ni John na nakipaghiwalay na ito kay Vanessa, bagay na nagkumpirma lamang sa mga usap-usapan na sila nga ay naging magkarelasyon. Kasabay ng pagtatapos ng kanilang show ay unti-unti ring humina ang katanyagan nito hanggang sa tuluyan na itong nawala.




Nagbalik umano ang aktres sa Canada, ang bansa kung saan ito lumaki, upang harapin naman ang kanyang pag-aaral. Hilig naman nito ang pag-aaral ayon na rin mismo sa kanya kaya lamang ay naunsyami iyon mula nang magtrabaho na siya sa harap ng camera, kaya nang magkaroon ng tyansa ay kinuha na nito ang oportunidad upang ipagpatuloy ang eskwela.

Mula noon ay bumabalik pa rin naman ito sa Pilipinas kaya lamang ay sa Canada na ito tuluyang nanirahan. Sa kasalukuyan ay isa na itong Sales Manager sa Mayfair Club ngunit tumatanggap pa rin ito ng mga proyekto kagaya ng pagmo-modelo.



Leave a Reply

Your email address will not be published.