Isang Aircraft Engineer, Nag-sideline Bilang Taga Ayos at Linis ng Aircon Ngayon Matapos Masuspende ang Kaniyang Trabaho Dahil sa Covid19

Marami sa ating mga kababayan ang naapektuhan ang kabuhayan dahil sa kinakaharap na pagsubok ng ating mundo. Kaya naman sa halip na tumunganga, maghintay at dumepende sa ibibigay na tulong ng ating pamahalaan, bakit hindi tayo magtulungan, kung paano natin malalampasan ang pagsubok na ito? Bakit hindi tayo mismo ang kumilos para sa ating kapwa at sa ating sarili?



Katulad na lamang nitong isang isang Aircraft Engineer na nawalan ng trabaho dahil sa covid19 na nakaisip ng paraan upang kumita ng pera bilang taga-aayos ng mga aircon!

Ang kanyang bagong trabaho ay ibang-iba sa dati niyang ginagawa, subalit ang taong ito ay hindi nahihiya sa ginagawa niya dahil nagdadala ito ng pagkain sa mesa para sa kanyang pamilya.




Si Folkky Chutiphong ay isang Lisensyadong Aircraft Engineer na nakatira sa Bangkok, Thailand at nagtatrabaho sa Thai Lion Air na kamakailan natigil ang operasyon dahil sa krisis na hinaharap ngayon ng buong mundo.

Si Chutiphong ay kumikita ng 98,635 Thai baht (US $ 3,000) sa isang buwan sa kanyang trabaho bilang flight engineer. Nawalan siya ng trabaho at kinailangan niya ng pera upang may pambili ng pagkain ang kaniyang pamilya.

Kaya naman kasama ng kaniyang kaibigan ay nakahanap sila ng isang paraan upang malutas ang kanilang sitwasyon sa pamamagitan ng pagbubukas ng isang negosyo, ito ay ang paglilinis at pag-aayos ng mga aircon sa kanilang lugar.





Dahil na rin sa mga ipinatupad na quarantine ay nanatili sa mga bahay ang mga tao kung saan mas tumataas at madalas ang pagkonsumo at paggamit ng aircon. Nangangahulugan lamang na marami ang kailangan linisin at ayusing mga aircon kaya naman naisip nila na ito ang kanilang atupaging negosyo.

Si Chutiphong at ang kanyang mga kaibigan ay nakatagpo ng magandang negosyo sa mga ito dahil pinapayagan silang gumawa at mag-ayos ng mga aircon.

Sinisingil nila ng 350 baht (USD $ 11) ang paglilinis ng isang unit at nag-aalok din sila ng isang diskwento, sinisingil lamang ng 300 baht (US $ 9) para sa mga matagumpay na naayos na mga unit ng bawat customer.



Nagagawa nilang linisin ang hindi bababa sa 6 na unit bawat araw, kumikita ng halos 20,000 baht (US $ 612) sa isang buwan bawat isa.

Kahit na mas maliit ang kanyang natatanggap bawat buwan kumpara noon sa pagiging isang flight engineer, sapat na ito upang mabigyan ng pagkain ang kanyang pamilya.

Masaya pa rin ibinahagi ni Chutiphong na kahit na isa siyang flight engineer ng sasakyang panghimpapawid noon ay hindi niya ikinakahiya na mag sideline ngayon bilang isang tagaayos ng aircon.





Hindi mahalaga kung ano mang trabaho ito, malaki o maliit, ang mahalaga ay ang makahanap ng isang trabahong disente na makakapagbigay ng pera at masusuportahan ang pamilya. Yun yung mahalaga….Kudos, Chutiphong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *