Dating Sikat na Cute Child Star na si Xyril Manabat, Isa ng Dalaga Ngayon!

Maliban sa pagiging masipag at sa hospitality ng mga Pilipino ay kilala rin tayo sa buong mundo dahil sa talento. Bata man o matanda ay natural na talentado sa iba’t-ibang larangan kagaya na lamang ng pag-arte sa harap man ng camera o sa entablado. Ilan sa mga halimbawa ng mga artistang sa murang edad ay mahusay na sa pagganap ng mga karakter ay si Xyriel Anne Bustamante Manabat.



Ang batang aktres na si Xyriel ay binansagan bilang “Child Wonder” mula noong una siyang lumabas sa telebisyon sa palabas na “May Bukas Pa” kasama ang kapwa batang artista na si Zaijian Jaranilla. Una itong lumabas sa publiko noong manalo ito bilang 3rd runner up sa talent search na Star Circle Quest: Search for the Next Kiddie Idol. Mula noon ay lumabas na ito sa iba’t-ibang mga palabas kagaya ng “Hawak Kamay”, “Agua Bendita” at “100 Days to Heaven”. Nasubukan rin nang husto ang kakayahan nito noong gumanap ito bilang batang Lily Cruz sa patok na palabas na “Wildflower” na pinagbidahan ni Maja Salvador taong 2017.





Lumabas na rin si Xyriel sa mga pelikula katulad ng “A Mother’s Story”, “24/7 in Love”, “Sisterakas” at sa indie film na “Ilawod” kung saan nakatrabaho nito sina Ian Veneracion, Iza Calzado at Therese Malvar sa ilalim ng direksyon ni Dan Villegas. Gumanap rin ito sa pelikulang “Ang Tanging Ina Mo (Last na ‘To!) kung saan nanalo pa ito bilang “Best Child Actress” sa ika-36 na Metro Manila Film Festival (MMFF) taong 2010.

Sa kasalukuyan ay isa na itong dalagita sa edad na 16 anyos at makikita sa mga litrato nito online na lumalaking maganda ang dating maliit na batang napapanood lamang sa mga palabas noon.




Sa edad nito ngayon ay mapapansin rin na marunong magdala ng damit ang dalagita lalo na sa mga OOTD nito sa ilang mga okasyon kagaya na lang nitong Disyembre kung saan dumalo ito sa isang school ball habang suot ang isang pulang gown.




Sa paglipas ng mga taon ay nakakuha na rin ng ilang endorsement si Xyriel kagaya ng isang local brand ng cologne at brand ng damit. Matapos ang huling proyekto nito, ang palabas na “Wildflower”, ay hindi pa muling lumalabas ang batang aktres, ngunit sa talento nito na nahasa sa murang edad ay hindi malabong makitang muli ito sa telebisyon sa hinaharap.



Leave a Reply

Your email address will not be published.