Ivana Alawi, Ibinahagi Kung Paano Pinagkamalan na Isang Katulong ang Kaniyang Ina sa Bahrain

Sikat na sikat ngayon ang aktres na si Ivana Alawi matapos siyang makilala ng mga tao sa kaniyang mga Youtube Vlogs kasama ang kaniyang kapatid na si Mona Alawi.




Bukod sa kaniyang beautiful features at magandang hubog ng katawan, kwela at humble rin si Ivana kaya naman maraming mga manonood ang na-inlove sa kaniyang mga vlogs kung saan talagang inaabangan nila ang mga ito.

Isang magandang katangian ni Ivana ay ang pagiging honest at down to earth sa likod ng kaniyang mga kayamanan at kasikatan.

Kahit na ito ay lumaki sa yaman at nakatira sa Bahrain, hindi pa rin maiwasan ang mga taong humusga sa kaniyang pamilya lalong lalo na sa kaniyang Ina. Ang ilang mga tao raw sa Bahrain ay mababa ang tingin sa ating mga Pinoy dahil na rin sa ating anyo at kutis kung saan kadalasan nahuhusgahan ang mga Pilipino roon.





Kwento ni Ivana, araw-araw daw siyang hinahatid ng kaniyang Ina sa eskwelahan noong bata pa ito kung saan todo suporta at binabantayan niya si Ivana sa school dahil hands-on mom ang kaniyang Ina.

Kaya madalas raw makita ng ilang mga Arab parents at guardians doon ang nanay ni Ivana. Umabot pa raw sa punto na inakala raw ng kaniyang kaklase ay isang katulong lamang ang kaniyang Mommy kaya naman pinagtanggol niya ito at sinabi niya na Mommy niya iyon.



Kung anong klaseng tao ngayon si Ivana ay dahil na rin iyon sa tamang pagpapalaki ng kaniyang Ina. Mapapansin naman kung gaano ito ka-humble, kabait at ka-honest sa kaniyang mga viewers kaya marami ang naeenganyong panoorin siya.

Kahit na hindi ito pure Filipina, Proud pa rin siya bilang isang Pinay kung saan madalas niyang ipagtanggol na ang mga Pinoy ay hardworking at mababait.


Kaya naman bukod sa kaniyang magandang hubog ng katawan ay maraming humahanga sa aktres dahil sa kaniyang pagiging totoo sa kaniyang mga viewers at pagiging humble sa likod ng kaniyang Mansion na bahay at limpak limpak na salapi galing sa sa kaniyang mga Youtube Vlogs.

Leave a Reply

Your email address will not be published.