Sa kulturang Pilipino ay inaasahan ang mga kababaihan na magdamit ng maayos kagaya na lamang ng mga sinaunang dalagang Pilipina na mahahaba ang manggas ng damit at palda na hanggang tuhod o talampakan ang haba. Ngunit dahil na rin sa paglipas ng panahon at impuwensiya ng ibang kultura, nagiging mas komportable na ang mga kababaihan na isuot ang mga damit na nais nila anuman ang disenyo o haba at ikli ng mga ito. Ganito ang kinalakihan at nakasanayan ng anak ni Ruffa Gutierrez na si Lorin.
Sa kasalukuyan ay 15 taong gulang na ito at ayon sa dalaga ay ni minsan hindi siya pinagbawalan ng kaniyang ina o ng kaniyang lola sa kung anong klaseng damit ang nais nyang suotin kaya naman mas lalo itong naging kumpiyansa sa sarili.
Makikita sa mga Instagram post ni Lorin ang iba’t ibang paraan ng kaniyang pananamit na siya namang hinahangaan ng kaniyang mga followers. Kagaya kasi ng kaniyang ina na si Ruffa ay matangkad din ang dalaga at may balingkinitang pangangatawan kaya nagmumukha siyang modelo sa tuwing ibinabahagi ang kaniyang mga outfit of the day (OOTD) sa kaniyang social media account.
Kamakailan nga ay makikita sa Instagram post ni Lorin ang two piece sexy outfit niya habang nagbabakasyon sa Thailand at hindi maiwasan ng publiko na magulat dahil ang dating maliit na batang si Lorin ay dalaga na ngayon.
Maraming netizen ang hindi mapigilang purihin ang dalaga sa angkin nitong ganda ngunit hindi rin maiiwasan na may ilang mag-komento patungkol sa paraan ng kaniyang pananamit at ito ang isa sa kanila:
“Itago mo yang katawan mo iha. Dapat may pinaglalaanan yan na special na tao. Wag mong ipagkalandakan.”,komento ng isang netizen sa sexy post ng dalaga.
Hindi pinalagpas ni Lorin na sagutin ang naturang komento at ginawa niya ito upang malaman rin ng iba pa niyang followers ang patungkol sa pagkakaroon ng kalayaan ng mga kababaihan kung ano ang gusto nilang suotin at gawin sa sarili nilang katawan.
“Girls should be able to choose whether they want to be more conservative or showy depending on what they feel comfortable with. Not for a ‘special na tao’ because that special person, whoever they may be, doesn’t own me and should be ok with me being confident in my own skin.”,sagot ng dalaga sa komento ng isang netizen.
Ikinatuwa naman ng mga netizens ang sagot ng dalaga dahil naging boses ito ng mga kababaihan patungkol sa usapin kung paano sila dapat manamit.
This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish.AcceptRead More
Privacy & Cookies Policy
Privacy Overview
This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. This category only includes cookies that ensures basic functionalities and security features of the website. These cookies do not store any personal information.
Any cookies that may not be particularly necessary for the website to function and is used specifically to collect user personal data via analytics, ads, other embedded contents are termed as non-necessary cookies. It is mandatory to procure user consent prior to running these cookies on your website.