Hot Mom Goals! Ellen Adarna, Sobrang Ganda pa rin ang Hubog ng Kaniyang Katawan Kahit may Anak na Ito

Maraming ang naiwang tanong sa publiko simula ng mawala bigla sa showbiz ang kilalang aktor na si John Lloyd Cruz gayun na rin ang aktres na si Ellen Adarna noong 2017. Maging sa kani-kanilang social media accounts ay wala ng update ang kanilang mga followers kung ano ang nangyari sa dalawa ngunit pagdating ng taong 2018 ay may mga kumalat na balitang nanganak na di umano ang aktres ng isang batang lalaki na pinangalanan nilang Elias Modesto. Ito ay base na rin sa mga larawang ibinahagi ng ilan nilang kaibigan.




Screengrab: Instagram/maria.elena.adarna

Matapos ang dalawang taon na kontrobersiya, muling binuksan ni Ellen ang kaniyang Instagram para sa publiko at madalas na niya itong ma-update tungkol sa kaniyang mga pinagkaka-abalahan.

Screengrab: Instagram/maria.elena.adarna

Mula sa pagsilang sa kaniyang Baby Elias, napanatili ni Ellen ang kaniyang magandang hubog ng katawan sa pamamagitan ng pag-work out araw-araw at paggamit ng jump rope bilang kaniyang cardio exercise.



Screengrab: Instagram/maria.elena.adarna
Screengrab: Instagram/maria.elena.adarna

Tila parang hindi nanganak ang aktres dahil fresh at young looking pa rin ito katulad ng dati bago ito maging usap-usapan sa social media.



Screengrab: Instagram/maria.elena.adarna

Sa kaniyang Instagram account, pribado pa rin ang kaniyang buhay sa kaniyang anak dahil hindi niya ito ibinabahagi sa kaniyang mga posts sa dahilan na rin na nais niyang magkaroon ng privacy ang anak na si Elias. Maging ang estado ng kaniyang buhay kay John Lloyd ay hindi rin nito ibinabahagi subalit napag-alaman at na kumpirmado na hiwalay na nga ang dalawa.

Screengrab: Instagram/maria.elena.adarna

Sa kasalukuyan, focus muna ang aktres sa kaniyang sarili kung saan napag-alaman na minsan na itong sumailalim sa mental helath training programs sa Bali. Ibinahagi nito kung ano ang kaniyang karanasan sa loob ng tatlong taon kung saan nagpasya na ito na sumailalim sa mental health training.


Screengrab: Instagram/maria.elena.adarna

“To everyone asking, i did mental training coz i was stuck in this black hole for almost 3 years. My anti-depressants didn’t do me any good, it made me immobile and numb. I was getting weaker mentally and emotionally, something had to be done. I can now finally say, after years of struggling… I am no longer a prisoner in my own mind…”, pagbabahagi ni Ellen sa kaniyang Instagram story.

Naibahagi rin ng aktres na hindi muna ito magkakaroon ng comeback sa industriya sapagkat ang kaniyang goal sa ngayon ay magfocus sa kaniyang buhay at sa pagpapalaki kay Elias.

Screengrab: Instagram/maria.elena.adarna

Goodjob Ellen! Hanga ang mga netizens pati na rin ang kaniyang kapwa celebrities dahil napanatili nito ang ganda ng kaniyang pangangatawan kahit na siya’y nagdalantao at ngayon ay isa ng Ina.

Leave a Reply

Your email address will not be published.