Valerie Concepcion, Ibinahagi ang Hirap sa Pagpapalaki Bilang Isang Single Mom sa Kaniyang Dalagang Anak

Isa ang aktres na si Valerie Concepcion sa mga showbiz celebrities na hindi itinago sa publiko ang kanilang pagkakaroon ng anak sa murang edad. Kamakailan lang ay ibinahagi niya sa “Magandang Buhay” ang ilan sa mga hirap na kaniyang pinagdaanan bilang isang teenage-mom.




Image courtesy: v_concepcion/instagram

Image courtesy: v_concepcion/instagram

Ayon sa kwento ng aktres, labing-limang taong gulang lang siya noon ng ma-inlove siya sa isang lalaki na naging boyfriend niya agad. Hindi niya ito ipinaalam sa kanyang mga magulang dahil maaring magalit ang mga ito o di kaya naman ay pagbawalan siya. Masaya noon si Valerie kaya naman ibinigay niya ang lahat sa lalaking mahal niya hanggang sa mabuntis siya matapos ang isang taon. Gulong-gulo noon ang isip ng aktres dahil nabuntis siya agad nang hindi alam ng kaniyang mga magulang na may boyfriend pala siya.



Image courtesy: v_concepcion/instagram

“Sobrang na-in love ako, tapos siya ‘yung first [boyfriend] ko akala ko magpapakasal—hello 15 ako nung naging kami, so parang feeling ko fairytale, eto na ‘yon.”,kwento ni Valeri habang kausap ang mga host ng morning show sa ABSCBN.

Image courtesy: v_concepcion/instagram

Sa kabutihang palad ay napatawad siya ng kaniyang mga maguang at tinulungan siya sa pag-aalaga at pagpapalaki ng kaniyang anak. Ang naging boyfriend naman niya noong panahong iyon ay handa siyang pakasalan ngunit hindi pumayag ang mga magulang ni Valerie dahil pareho silang wala pa sa hustong edad.



Image courtesy: v_concepcion/instagram

“My parents said no, kasi nga, I was only 16. So sabi nila, ‘Pag 18 na siya at nasa legal age na siya puwede siyang magpakasal, kung gusto niya pang magpakasal, bumalik ka na lang.”,dagdag pa ng aktres.

Hindi rin nagtagal ang relasyon ni Valerie sa unang boyfriend at noong una ay iyak siya ng iyak dahil sa nangyari ngunit dumating siya sa punto ng buhay na naisip niyang kailangan niyang gumawa ng isang bagay na maipagmamalaki ng kanyang anak na si Heather Fiona. Nagsimulang pumasok sa showbiz si Valerie sa murang edad at sa tulong ng kaniyang mga magulang ay napalaki niya maayos ang anak.

Image courtesy: v_concepcion/instagram

Sa kasalukuyan ay maganda na ang takbo ng buhay pag-ibig ng aktres at ikinasal na siya sa kaniyang boyfriend na si Francis Sunga. Maliban dito ay nagawa din ni Valeria na makapagtapos ng kolehiyo noong nakaraang taon sa kursong BA Psychology sa paaralan ng Arellano University. Ang bagay na ito ay naging posible dahil na rin sa programa ng paaralan na tinatawag na Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program.

Image courtesy: v_concepcion/instagram




Image courtesy: v_concepcion/instagram

Nagkamali man sa naging desisyon noong kaniyang kabataan ay hindi hinayaan ni Valerie na maging hadlang ito para makamit ang tagumpay sa buhay at sa halip ay ginamit na inspirasyon para mas lalo siyang tumapang sa iba pang pagsubok na kaniyang haharapin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.