Ganito ang Bonding Time ni Korina Sanchez Kasama ang Kambal na Anak na Sina Pepe at Pilar

Ngayong panahon kung saan ipinagbabawal ang paglabas ng bahay kung hindi kinakailangan upang makaiwas sa kumakalat na virus ay nagkaroon ng mas mahabang oras at panahon ang bawat pamilya na magsama-sama. Naging daan din ito upang mas maipadama nila ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa na minsan ay nakakaligtaan dahil na rin sa pagiging abala sa mga gawin kagaya ng trabaho o pag-aaral.



Dahil nga sa tagal ng pagkakakulong sa bahay, bawat netizens ay mayroong kani-kaniyang paraan kung papaano makapagbabahagi ng mga nakakatuwang bagay kagaya na lamang ng TV anchor na si Korina Sanchez.

Hindi magkamayaw ang mga netizens sa bawat Instagram update ni Korina lalo na patungkol sa kambal niyang anak na si Pepe at Pilar. Batid ng marami kung anong proseso ang pinagdaanan ng mag-asawang Mar at Korina para makamit ang pangarap nilang magkaroon ng anak kaya naman ganoon na lamang ang kanilang kasiyahan na ngayon ay natupad na ito.




Sa kasalukuyan ay mahigit isang taong gulang na rin ang dalawa kaya naman mas nakakatuwa na silang panuoring maglaro at maka-bonding. Sa mga larawang ibinahagi ni Korina ay makikitang marunong ng tumayo at maglakad ng paunti-unti ang kambal na siya namang ikinatuwa ng ina. Madalas niya rin itong kasama sa pamamasyal sa kanilang hardin kung saan makikita ang mini-playground ng dalawa.

“Here goes another week ahead. Each day that comes is a day closer to the end of this problem. Right? Sooo excited! Our morning workout to get stronger against the enemy. Fight.”, caption ni Korina sa larawan kung saan kasama niya ang kambal na nagi-ehersisyo sa kanilang hardin.




Hindi rin nagpatalo si Korina sa mga Momshies na siyang nag-gugupit ng buhok ng kanilang asawa at anak ngayong panahon ng ECQ. Siya mismo ang naggupit ng bangs ni Pilar at ng kaniyang asawa na si dating Senator Mar Roxas.




Talaga namang nakakatuwang pagmasdan ang mga bata lalo na ang kanilang mga ngiti na tila ba nagpapaalala sa atin na sa bawat pagsubok ng buhay ay laging mayroong pag-aasa na naghihintay. Sila nga itong bagong henerasyon sa ating lipunan at nawa ay magkaroon tayo ng iisang hangarin na pagbutihin at pagandahin ang mundong kanilang gagalawan sa kanilang paglaki.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *