From 85 kg to 50 kg! Ibinahagi ng Isang Netizen ang Kaniyang Fitness Journey Simula ng Iwan Siya ng Kaniyang Ex Dahil sa Timbang Nito

Dito sa Pilipinas ay karaniwan na ang matawag na “baboy” o”balyena” kapag ang isang tao ay may kabigatan ang timbang, kaya naman marami sa atin ang bumababa ang self confidence dahil sa pambubully ng iba. Subalit may iba naman na ginagamit ito bilang kanilang motivation upang ma-achieve ang kanilang body goals.



Ang mga ganitong klase ng pambu-bully mismo ang nagtulak rin sa isang netizen na si Majel Santiago para magpursige na magbawas ng kaniyang timbang.

Ibinahagi nito sa kaniyang Facebook account ang isang post na nag-viral kumakailan tungkol sa kaniyang nakakamanghang fitness journey. Ipinakita nito ang kaniyang mga litrato noong 85 kg pa ito at ang mga pinakabagong litrato nito ngayong 50 kg na lamang ito.

Sa bawat larawan sa album na iyon ay sinalaysay nito ang kwento sa likod ng kanyang transpormasyon. Ayon kay Majel, tumaba ito nang husto noong na-stress ito sa dati niyang boyfriend, kasabay na rin ng unhealthy lifestyle nito at ng kanyang mga bisyo. Naranasan niya ang makutya sa personal at sa social media kung saan pati na rin ang kaniyang pamilya ay nag-aalala na sa kaniyang dumadagdag na timbang.




Madalas rin daw itong laitin ng kaniyang boyfriend noon at ito rin ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay ang kaniyang kasintahan sakaniya. Madalas din daw siyang paringgan sa social media ng kaniyang ex kung saan nakikisawsaw rin sa panlalait ang bagong girlfriend nito.

Kaya isang araw ay naisipan na lamang niya na palitan na ang kaniyang unhealthy lifestyle. Nagsimula raw ito sa pagbabawas ng kanin, ang dating nakasanayan na tatlong takal ng kanin ay naging dalawa na lamang hanggang sa kalaunan ay isa na lang o minsan ay wala talaga.



Tinigil rin umano nito ang mga bisyo nito kagaya ng paninigarily0 at pag-inom ng alak. Maliban sa nakakataba ang alak ay walang magandang epekto ito sa katawan. Higit sa lahat ay sinabayan nito ng pasensya at dasal ang kanyang ginagawa dahil hindi naman talaga madali ang magbawas ng timbang, kailangan ng matinding disiplina at tibay ng loob upang lumayo sa mga temptasyon.

Payo nito sa mga nagbabalak gawin ang mga ginawa niya ay bawasan ang carbs sa pagkain at magbilang ng calories sa bawat meal na kakain sa araw-araw. Iwasan rin daw ang pagkain sa labas dahil kadalasan ay hindi ito healthy lalo na sa mga fast food.



Paglilinaw ni Majel ay hindi niya sinisiguro na gagana ang pamamaraan niya sa lahat ng susubok nito dahil iba’t-iba ang katawan ng mga tao, kaya mas maigi pa rin na alamin kung ano ang pinakamainam na paraan sa ating sariling mga katawan.


Ngayon ay talagang maituturing na slim na ang pangangatawan ni Majel, gayunman ay mayroon pa ring mga taong pumupuna sa kanyang mga stretchmarks na mula sa dating pagkakabanat ng kanyang balat noong mataba pa ito. Ngunit kahit ganoon ay nananatiling positibo ang pananaw ng dalaga at mas nais nitong pagtuunan ng pansin ang pagmamahal niya sa kanyang sarili.

Nais rin nitong magsilbing inspirasyon para sa ibang nagbabalak ring magpapayat. Ang nasabing post ay mayroon ng 75K shares sa Facebook at maraming netizen ang na-inspire sa kaniyang fitness journey.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *