Hindi Hadlang sa Isang Grabfood Driver na Ito ang Mag-Trabaho Kahit Wala Itong mga Kamay

Kwento ng isang GrabFood rider ang nag-trending sa social media nitong nakaraan dahil sa ipinakitang kasipagan nito sa kabila ng pagkakaroon ng kapansanan. Sa panahon kung kailan ang karamihan ng mga tao ay nasa loob lamang ng kanya-kanya nilang mga tahanan ay walang tigil pa ring nagta-trabaho ang ilan upang kumita ng pera, kagaya na lamang ng mga delivery riders–hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa rin, sa katunayan ay sa Malaysia naganap ang mga sumusunod na pangyayari.



Mula sa Kuala Lumpur ay nag-trending ang post ni Edmund Gan, ito ay tungkol noong minsan itong nagpadeliver sa pamamagitan ng app na GrabFood.






Nakuha nitong rider si Syahrain Frazdil noong araw na iyon at nang makarating ito sa kanyang bahay kasama ang kanyang mga ipinabili ay sinabihan niya ito na isabit na lamang ang mga supot na dala-dala nito sa kanilang gate upang matupad ang social distancing kahit papaano, kaya lamang ay pinadalhan siya nito ng mensahe na nanghihingi ng tulong dahil hindi raw nito kayang gawin iyon ng mag-isa.

Nagtaka naman si Edmund dahil hindi naman sobrang dami ang kanyang inorder kaya di niya maintindihan kung bakit kailangan nito ng tulong, sa katunayan ay ilang baso ng mga inumin lamang ang kanyang ipinabili. Naintindihan lamang nito ang sitwasyon nang mapuntahan niya ito at noong mapagtanto niyang wala na palang mga kamay ang rider.



Gulat na gulat si Edmund at marahil ay napansin rin iyon ng rider kaya biniro pa siya nito na wag na subukang hanapin ang kanyang mga kamay dahil wala na raw talaga ang mga iyon. Tunay na kahanga-hanga ito dahil sa kabila ng lahat ay patuloy pa rin ito sa pagsusumikap.



Isa lamang si Syahrain sa mga halimbawa ng mga taong nagpapatotoo na hindi dahilan ang pagkakaroon ng kapansanan o kakulangan para tumigil na lamang sa pagpupursige sa buhay. Imbes na ituring itong hadlang ay mas maigi kung makikita itong rason upang mas lalong galingan pa sa trabaho, pasasaan ba’t kalaunan ay magbubunga ang lahat ng pagod at sakripisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *