Kontrabida Star na si Princess Punzalan, Ito na ang Buhay Ngayon sa Ibang Bansa Bilang Isang Nurse Habang Ipinagpapatuloy ang Pag-arte

Kung mga teleserye ang pag-uusapan, isa na siguro ang “Mula Sa Puso” sa mga tumatak sa puso’t isipan ng mga Pilipino. Pinagbidahan ito noon ni Claudine Barretto at ng dati nitong kapareha, na sa kasamaang palad ay maagang namaalam, na si Rico Yan. Sa sobrang patok ng palabas na ito sa masa ay tumagal ito ng 2 taon sa telebisyon, mula Marso ng taong 1997 hanggang Abril ng 1999.



Sa likod ng kasikatan ng proyektong ito ay isa sa pinakamalaki ang naging kontribusyon sa pagpapaganda nang husto sa palabas ay ang kontrabidang si ‘Selena’ na ginampanan ng aktres na si Princess Punzalan.

Dahil sa tagumpay ng nasabing palabas ay nakita ng mga manonood kung gaano kagaling umarte ang mga artistang gumanap sa kanilang kanya-kanyang karakter, kagaya na lamang ni Princess na tila habang-buhay nang nakakabit sa kanya ang pangalang ‘Selena’.




Kalaunan ay nawala sa telebisyon ang magaling na aktres at napag-alaman mula sa mga sources na isa na pala itong nurse sa Estados Unidos, doon kung saan rin ito naninirahan sa nakalipas na mga taon.

Sa isang panayam ng GMA kay Princess ay ibinahagi nito na nagkaroon muli ito ng pagkakataon na umarte, iyon ay mula nang may isang ahenteng nakapansin sa kanyang talento. Sumasailalim sa isang acting training si Princess at ang acting coach nitong si Billy Hufsey ang tumulong sa kanya upang maipasa ang kanyang resume at maipakita ang dati niyang mga naging proyekto.



Kalaunan ay naging interesado ang ahente at kinuha siya nito para sa isang pelikula na pansamantalang pinamagatang “The Interview”. Gaganap si Princess bilang isang officer sa pelikulang ito at ipapakita doon ang proseso kung paano mag-apply para sa green card.




Nang tanungin naman ang aktres kung balak ba nitong iwan ang isa sa kanyang dalawang trabaho ay sinabi nito ang balak na pagsabayin na lamang ang mga ito dahil aniya’y hindi naman pang-araw araw na trabaho ang pag-aartista.

Para sa kanya ay isa iyong pangarap lalo na at hindi madaling makapasok sa Hollywood. Nawa’y magtuloy-tuloy ang pagdating ng mga oportunidad para kay Princess at malay natin ay baka mas sumikat pa ito nang husto, hindi na lamang dito sa ating bansa kundi pati na rin sa buong mundo.

Sa ngayon ay focus rin muna ang aktres sa pagpapalaki ng kaniyang anak at pagtraining sa kaniyang acting skills ng sa ganon ay maisakatuparan niya ang kaniyang future goals.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *