Ibinahagi ni Meryll Soriano Kung Gaano Kayaman ang Kaniyang Ama na si Willie Revillame

Maraming nakaka-alam na si Willie Revillame ang isa sa mga kinikilalang personalidad sa ating bansa hindi lang dahil sa kaniyang kakayanang magpasaya at magbigay ng papremyo sa masang Pilipino kundi dahil na rin sa kwento ng kaniyang buhay na talaga namang kapupulutan ng aral.



Sa murang edad ay namulat na kaagad siya sa hirap na siya niyang naging inspirasyon para maging masipag sa pag-abot ng pangarap na maginhawang buhay. Mula nga sa pagiging extra sa mga comedy shows ay nagkaroon siya ng sariling TV show at tinaguriang isa sa mga mayayamang individwal sa bansa.

Ngunit gaano na nga ba talaga kayaman ang isang Willie Revillame?

Sa isang panayam ng mga reporters sa anak nitong si Meryll Soriano mula sa dating kasintahan na si Bec-Bec Soriano ay naliwanagan ang publiko sa totoong estado ng kayamanan ni Willie. 





Ayon sa aktres, nagmamay-ari ang kaniyang ama ng sariling eroplano, mga chopper, mga yate at iba’t ibang mamahaling luxury cars na madalas mabili sa ibang bansa kagaya na lamang ng popular na ferrari car. 

Maliban dito ay mayroon din siyang iba’t ibang negosyo kung saan kasosyo niya ang mga kilalang indibidwal kagaya ni Manny Villar. 

Isa na nga dito ang kilalang Wil Tower na mayroong mga condo units at mall na matatagpuan sa Quezon, City. Nabanggit din ni Meryll na mayroong pagkakataon na gusto niyang hiramin ang mamahaling sasakyan ng Ama para sa isa niyang taping ngunit hindi siya pinayagan nito at sa halip ay isinama sa isang tindahan ng mga sasakyan at agad binilhan ng sarili niyang luxury car.





Ang bongga diba? Hindi pa nagpapigil si Willie at hanggang ngayon ay walang tigil ang pagbibigay niya ng allowance kay Meryll at sa kaniyang Apo nito sa kabila ng pagiging matagumpay ng negosyo at karera ng aktres.

Sa kabila ng pag-abot niya sa tugatog ng tagumpay ay nanatiling mabuting tao si Willie at sa katunayan ay marami na siyang taong natulungan at nabahaginan ng kaniyang yaman.





Ang tanging hiling lang ni Meryll sa Ama ay makahanap siya ng isang espesyal na tao na mag-aalaga sa kaniya at mamahalin siya habang-buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *