International Singer na si Michael Bublé, Ibinigay sa Pinay Caregiver ang Bahay ng Kaniyang Yumaong Lolo Dahil Ito ang Kahilingan Nito

In demand ang mga Pilipinong caregiver sa ibang bansa dahil na rin sa kanilang kakayanang magampanan ang trabaho ng higit pa sa inaasahan ng kanilang mga employer. Malayo man sa pamilya at hindi biro ang reponsibilidad na kailangan nilang gampanan ay naglalakas loob ang karamihan sa ating mga kababayan upang makamit ang pangarap na maiahon ang pamilya sa hirap ng buhay. Nakakatuwa ngang makita sa mga balita na masaya ang mga dayuhan sa serbisyong ginagawa ng mga Pilipinong caregiver. Sa katunayan, karamihan sa kanila ay itinuturing ng miyembro ng pamilya dahil na rin sa tagal at di-matatawarang serbisyo na kanilang ibinibigay.



Isa na nga sa mga caregiver na ito ang Pilipina na si Minnete. Pinaglingkuran niya ang matandang Amerikano na si Demetrio, lolo ng kilalang Canadian singer na si Michael Bublé.





Mahigit walong taon na ring nagtatrabaho si Minnete sa pamilya nina Michael at dahil sa kaniyang magagandang katangian ay hindi na rin ito naging iba sa kanila. Ayon kay Michael, lubos na nagustuhan ng kanilang pamilya ang kabaitan ng Pilipina pati na rin ang pagiging masaya nito kasama na siyang madalas nag-uumpisa ng pagpapatawa.

“Minette is this really compassionate, kind, empathetic human being with a great sense of humor, a great zest of life, who sort of never did anything for herself. She became family almost instantly.”, pagbabahagi ni Michael sa isang panayam.

Bago pa man pumanaw si Demetrio ay hiniling niya sa apong si Michael na asikasuhin ang lahat ng papeles ng bahay upang mailipat sa pangalan ng kaniyang caregiver na Minette ang pangangalaga dito. Ito ang huling hiling ng lolo ng singer dahil nais niyang suklian ang kabutihan na ipinakita sa kaniya ng Pilipina at upang hindi na rin ito mamoblema pa sa pag-uupa ng bahay.



Sa pamamagitan ng Celebrity “IOU”, isang Holywood show na tumutulong sa mga celebrity na maibalik ang kagandahang loob sa mga espesyal na tao sa kanilang buhay ay naisakatuparan nga ni Michael ang kahilingin ng kanilang yumaong lolo. Sa tulong nina Drew at Jonatthan Scott ay ipinaayos ng singer ang bahay na naitayo pa noong 1970’s at binigyan ito ng makabagong disenyo.





Napamahal na rin kay Michael ang bahay lalo pa at halos dito na siya lumaki. Dito rin nabuo ang ilan sa mga sumikat niyang kanta ngunit mas matimbang sa kaniya ang ipagkaloob ito sa taong nararapat at ito nga ay walang iba kundi ang Pilipinang caregiver na si Minette.

“ The greatest moments of my life happened here. The songs I learned and the styles of usic I fell in love with, they all happened here.”, dagdag pa ng singer.

Sa huli ay natanggap nga ni Minette ang hindi inaasahang regalo mula sa kaniyang yumaong amo at halos hindi makapaniwala sa sinabi ni Michael na siya ang bagong may-ari ng bahay.

“It is so much, really, really so much. I have no words right now. It hasn’t sunk in yet. It’s beautiful, beautiful.”, pahayag ng Pilipina habang hindi mapigilang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.

Talaga namang bawat magagandang bagay na ginagawa natin sa ating kapwa ay mayroon ding magandang kapalit na dadarating sa panahong hindi natin inaasahan.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *