Matapos ang Paghihintay ng 16 Years, Ibinahagi ni Assunta De Rossi na Siya’y Buntis na!

Masayang-masaya ang Filipino-Italian na aktres na si Assunta de Rossi-Ledesma mula nang madiskubreng nagdadalang tao na ito matapos ang 16 na taong pagsasama nila ng kanyang asawa na si Jules Ledesma.




Unang ikinasal ang dalawa taong 2002 sa civil at muling ikinasal sa simbahan naman taong 2004, mula noo’y nagsasama na ng tahimik ang mag-asawa. May dalawang anak na si Jules sa unang asawa bago pa ikasal ang dalawa ngunit sa pagitan nila’y hindi pa sila nakakabuo.



Hanggang nitong ika-5 ng Marso nang bumisita muli ang aktres sa kanyang OB-GYNE ay nakatanggap sila ng magandang balita na siya ay kasalukuyang nagdadalang tao na.

Hindi umano dinatnan ng kanyang buwanang dalaw si Assunta kaya nagdesisyon na ito na magpatingin muli sa kanyang doktor matapos ang 3 taon na hindi nito pagpunta roon. Sinuri ang kanyang dugo at sumailalim siya sa ultrasound, noong mismong araw rin na iyon ay napag-alaman nilang 5 linggo na siyang buntis.

“Wide awake. This has been my life even before quarantine started— just being in bed all day, feeling horrible. And before anyone asks why I look like I’m on my way to the afterlife, allow me to list down all the symptoms I’ve had to endure this past 2 months: Fatigue, Nausea, Tender, Swollen breasts, food aversions, constipation, dizziness, heartburn. On March 5, 2020, I paid a visit to my OB-GYN after not seeing him for 3 plus years. Why? I had missed my period. An ultrasound scan and blood test confirmed later that day that I was about 5 weeks pregnant. I know, shocking! Getting pregnant the natural way with myoma and endometriosis (which I both have) is extremely difficult. Only medical intervention or a miracle can make it happen…”pagbabahagi nito sa kaniyang Instagram post.


Labis ang pagkagulat nito lalo na’t hindi inaasahan ni Assunta na makakabuo sila ng kanyang asawa sa natural na paraan dahil siya ay may myoma at endometriosis. Kwento pa ng aktres ay mula noong maipatupad ang quarantine ay lagi lamang itong nasa kanyang higaan at masama ang pakiramdam.


Sa nakalipas na dalawang buwan umano ay nakaramdam ito ng pagkahapo, pagduduwal, pananakit ng kanyang mga dibdib, constipation, pagkahilo, heartburn at nakaranas rin ito ng disgusto sa ilang partikular na pagkain.

Ngayon ay lagpas 14 na linggo na ang dinadala nito at ang kanyang inaalala ay iyong hindi bumibigat o nadadagdagan ang kanyang timbang. Lahat raw ng kinakain nito ay tila napupunta lamang lahat sa kanyang tiyan at mga dibdib. Gayunman, hindi maikakaila ang kanyang kaligayahan sa pagdating ng kanyang “miracle baby” kung tawagin nito.



Nitong nakalipas na araw ng mga nanay ay nag-post na rin ito ng kanyang whole body na litrato kung saan makikita ang kanyang munting baby bumb sa kauna-unahang pagkakataon. Binati rin nito ang lahat ng mga nanay at mga soon-to-be mommies sa nasabing araw. Para naman sa mga naghihintay pa rin na mabiyayaan ng supling, payo nito na patuloy na manalig at magdasal dahil ang nasa itaas ay nakikinig parati.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *