Kilalanin si Dani Barretto ang Unang Anak ni Marjorie Barretto kay Kier Legaspi

Si Marjorie Barretto ay pangalawa sa tatlong magkakapatid na tinaguriang “The Barretto Sisters” sa mundo ng showbiz. Kapatid niya sina Gretchen at Claudine Barretto. Maraming naging ka-relasyon si Marjorie ngunit ang una sa mga ito ay ang aktor na si Kier Legaspi at sa tagal ng kanilang pag-sasama ay nabiyayaan sila ng anak na babae at pinangalanan itong Anyard Daniella.




Ngunit kagaya ng karamihan sa mga relasyon ng showbiz couples ay naghiwalay din ang dalawa at naiwan sa pangangalaga ni Marjorie kanyang anak.

Si Daniella o Dani ay ipinanganak noong October 20,1993. Nag-aral siya ng highschool sa The Seed Montessori School at sa College of Saint Benilde naman noong siya ay nasa kolehiyo.

Ayon kay Dani sa murang edad na 14 taong gulang ay nagkaroon na siya ng interest sa iba’t ibang fashion styles at lubos naman itong sinuportahan ng kanyang ina na si Marjorie. Hindi man siya pumasok sa mundo ng showbiz kagaya ng kanyang mga magulang ay nakagawa naman ito ng sariling pangalan sa mundo ng social media.






Sa kasalukuyan ay isa siyang fashion at lifestyle blogger sa kanyang sariling YouTube channel kung saan mayroon siyang 106,787 subscribers. Maliban sa pagiging abala sa kanyang mga vlogs ay mahilig din magtravel si Dani at makikita ito sa mga larawang ibinabahagi niya sa kanyang Instagram account kung saan mayroon siyang mahigit sa 490,000 na followers.

Isa sa mga bagay na kinagigiliwan ng mga netizens ang magandang pangangatawan ni Dani na madalas niyang ipakita sa kanyang larawan habang suot-suot ang magagandang swimsuits.

Madalas niyang kasama sa kanyang mga travels ang dalawang kapatid sa ina na sina Julia at Claudia. Nagkaroon din ng mga kaibigan si Dani sa mundo ng showbiz at ilan dito ay sina Bella Padilla at Yassi Pressman na kanyang matalik na mga kaibigan.

Sa kasalukuyan ay isa nang ganap na Mommy si Dani Barretto sa kaniyang anak na si Camilla Marguerite o baby Millie.




Ikinasal siya sa kaniyang nobyo na si Xavi Panlilio taong 2019 at matapos ang ilang buwan ipinanganak niya ang napakacute na si Baby Millie.

Sa likod ng mga kontrobersiya ng kaniyang pamilya, nanatiling masaya at stick together ang pamilya ni Marjorie Barretto kasama ang asawa at anak ni Dani Barretto.


Magkaiba man Ama ni Dani sa Ama nina Julia at Claudia, nanatili namang mapagmahal at totoong magkapatid ang mga ito sa isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *