Wais na Nanay, Binilhan ng Cellphone ang mga Anak sa Kondisyon na Kailangan nila Itong Bayaran ng Hulugan sa kaniya

Sa panahon ngayon, imbes na naglalaro sa labas ang mga kabataan ay halos lahat may kanya-kanya nilang gadgets na pwedeng gamitin sa iba’t-ibang mga bagay at pati na sa paglalaro. Dahil na rin dito, karamihan sa mga magulang ay sinisikap na maibigay ang mga pangangailangan at kagustuhan ng mga ito, kasama na mismo ang mga gadgets na kagaya ng cellphone.



Sa ganitong usapin, may isang wais na Ina ang nag-viral matapos nitong ibahagi ang kanyang naisip na taktika upang maibigay ang kahilingan ng mga anak sa paraang may matututunan rin ang mga ito.

Image courtesy: Michelle Mangahas/smartparenting

Isang single parent si Michelle Mangahas, may tatlong siyang anak na sina Mark, Mika at Matthew sa mga edad na 14, 11 at 6. Katulad ng ibang mga bata ay mayroon na ring kanya-kanyang cellphones ang mga ito na dati na niyang ibinigay, ngunit nitong nakaraan ay umungot ang dalawang nakatatanda niyang anak na kailangan na ng mga ito ng bagong telepono na mas maganda kesa sa luma nila.



Para kay Mommy Michelle ay hindi niya maintindihan noon kung bakit kailangan ng mga ito ng bagong cellphone lalo na’t bata pa naman kung tutuusin ang mga anak. Kalaunan ay nakumbinsi rin siya nang ipaliwanag ng mga bata na kailangan nila ang mas magandang kalidad ng mga litrato.

Image courtesy: Michelle Mangahas/smartparenting

Isang business woman si Michelle at nais nitong matuto ang mga anak ng responsibilidad at tamang paghawak ng pera, kaya naman ang naipong pera ng mga ito ay pinayagan niyang gamitin upang ipambili nila ng mga bagong cellphone.

Image courtesy: Michelle Mangahas/smartparenting



Ang kulang naman ay napagkasunduan nilang huhulugan ng mga ito paunti-unti hanggang sa tuluyan nilang mabayaran nang buo ang mga teleponong nagkakahalaga ng 10 libo kada isa. Hindi naman naging istrikto si Mommy Michelle sa deadline o anuman, ngunit sa dalawang anak ay napansin nitong nangunguna sa pagbabayad ang unica hija nitong si Mika.


Depensa naman ni Mark ay mas malakas itong kumain kesa sa kapatid kaya mas kaunti ang natitira sa kanyang allowance.

Image courtesy: Michelle Mangahas/smartparenting

Hindi man ideal sa mata ng lahat ay naniniwala si Mommy Michelle na magandang paraan ang kanyang ginawa upang kahit sa batang edad ng mga anak ay makita nila ang kahalagahan ng pagiging wais sa pera.




Hindi umano obligasyon ng mga magulang na bilhan ng telepono ang kanilang mga anak, ngunit hindi rin naman masamang ibigay ang kagustuhan ng mga ito lalo na kung paghihirapan naman nila iyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *