9-Years old na Batang Babae, Nagbebenta na ng Fried Chicken para Makatulong sa Kanyang Lola

Natural sa pagiging bata ang mag-enjoy sa buhay ng walang iniisip na responsibilidad ngunit hindi lahat ng bata ay nabibigyan ng ganitong pribilehiyo.




Sa katunayan, malaking populasyon ng isang komunidad ay mga batang lumaking mulat sa hirap ng buhay na imbes na nag-aaral ay nagta-trabaho para sa kanilang pamilya. Hindi man nila ito ginusto ngunit ito ang kanilang naging kapalaran at sa murang edad ay kinakailangan nilang magbanat ng buto para lang maibasan ang kumakalam na sikmura.

Isa sa mga batang ito si Sarocha Intasai na sa edad na siyam na taong gulang ay marunong ng magluto ng piniritong manok at alam na ang kalakaran sa negosyo ng pagbebenta ng pagkain.

Nagsimula di umano si Sarocha sa pagsama sa kanyang lola na magbenta ng pagkain noong siya ay tatlong taong gulang pa lamang. Habang tumatagal ay marami siyang natutunan mula sa kanyang lola hanggang sa makalipas ang anim na taon ay naasahan na siya nito sa pagtatrabaho sa ‘Aunt Reang’s restaurant’ na matatagpuan sa palengke ng Bang Nam Pueng sa Thailand.




Maliban sa pagluluto ng pritong manok ay nagbebenta din si Sarocha ng curry at rice noodles. Minsan ay siya na rin ang nag-aasikaso sa mga kumakain sa restaurant.

Sa murang edad ay kinailangan na ni Sarocha ang magbanat ng buto para sa kanila ng kanyang nakababatang kapatid. Naghiwalay kasi ang kanilang mga magulang noong siya ay tatlong taong gulang pa lamang at nakulong ang kanyang ina dahil sa ipinagbabawal na gamot kaya naman kinailangan nilang makituloy sa bahay ng kaniyang lola.
script async src=”//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js”>


Sa kabutihang palad ay malugod silang tinanggap nito sa kabila ng kanilang kahirapan at maliit na tahanan. Kasama ni Sarocha sa bahay ang kanyang lolo at lola, lola sa tuhod at dalawang kapatid na lalaki.



Madalas tanungin si Sarocha ng ibang tao kung okay lang sa kanya na sa murang edad ay nagtatrabaho na siya. Positibo naman ang sagot nito at okay lamang para sakaniya ang magbanat ng buto. Masaya siyang nakakatulong sa kanyang lolo at lola na nagsusumikap para mabigyan silang magkakapatid ng maayos na buhay.

Sinabi din ni Sarocha na kung maglalaro lang siya maghapon ay hindi siya kikita ng pera na makakatulong sa gastusin sa kanilang bahay.






Nakakatuwang makita na sa murang edad ng ilang mga bata ay malawak na silang mag-isip at marunong dumiskarte sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *