Jinkee Pacquiao, Ipinasilip ang Itsura ng Kanilang Mansion sa Los Angeles

Marangya ang pamumuhay ngayon ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao simula ng sunod-sunod na manalo at makilala si Manny sa larangan ng boksing. Maliban dito ay nagkaroon din ng pagkakataon na makapagsilbi sa bayan ang “Pambansang Kama-o” na ngayon ay isa na ring Senador. Hindi kaila sa marami ang karangyaan sa buhay ng pamilya Pacquiao at ganoon pa man ang kanilang estado sa buhay ay nanatili silang mapagpakumbaba at matulungin sa kapwa.




Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Ilan sa pinaglalaanan ng kanilang mga kayamanan ay ang pagkakaroon ng iba’t-ibang negosyo at mga malalaking bahay o mansyon sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas maging sa ibang bansa.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Noon ngang taong 2015 ay nabalitaang bumili ang mag-asawa ng isang mansyon sa Beverly Hills Los Angeles California na nagkakahalaga ng 12.5-milyong dolyar o 665-milyon pesos. Ayon sa Forbes mayroon itong lawak na 10,000 square feet at dating pagmamay-ari ni Sean Combs.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao





Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Ang nasabing mansyon ay mayroong dalawang palapag at sa gilid ng hagdan paakyat ay makikita ang isang eleganteng chandelier na nakasabit sa high ceiling ng kanilang sala.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao



Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Mayroon din itong pitong kwarto, malawak na sala,hapag-kainan at kusina na talaga namang kakaiba ang laki. Ayon sa ilang balita ay mayroon ding malawak na home theater ang mansyon ni Manny Pacquiao na kasya ang hanggang dalawampung tao.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao
Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Walang gaanong nakuhang larawan ng mansyon ang mga reporter subalit madalas naman ipakita ni Jinkee Pacquiao sa kaniyang Instagram posts ang itsura ng loob ng kanilang L.A. home.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao



Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Makikita ang simple ngunit eleganteng interior design ng mansyon at mayroon itong malaking flat screen TV sa sala na malapit na napakasimple pero eleganteng swimming pool.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao
Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Makikita din na mayroong canvas painting sa loob ng mansyon kung saan madalas mag-pose si Jinkee ng kanyang mga OOTD.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao
Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Ang nasabing mga larawan ay ibinahagi ni Jinkee habang nasa Amerika ang buong pamilya para sa laban ni Manny Pacquiao kay Broner noon.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Dito naninirahan sina Jinkee sa tuwing may laban ang kaniyang asawa o sa tuwig sila ay magbabakasyon sa Los Angeles.

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao





Image courtesy: Instagram/jinkeepacquiao

Napakayaman ng naman talaga ng pamilya Pacquiao subalit kahit gaano sila ka-rich and famous ay nananatili pa ring down to earth ang pamilyang ito. Sa dinami-rami ng kanilang blessings sa buhay ay hindi pa rin nila nakakalimutan na tumulong sa kapwa at pagmasalamat sa Panginoon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *