Heart Evangelista, Namigay ng mga Libreng Tablet Gadgets Para sa mga Bata na Hindi Afford ang Online Classes

Isa si Heart Evangelista sa pinaka mayaman na artista sa mundo ng showbiz dahil bata pa lamang ito ay nagsimula na ang kaniyang karera sa industriya at nanggaling irin to sa napakayaman na pamilya.



Madalas makita sa kaniyang Youtube Channel kung gaano kamahal ang mga kagamitan nito lalo na at luxury items ang madalas niyang bilhin tuwing ito ay nasa ibang bansa.

Sa katunayan, isang luxury handbag lamang ng aktres ay nagkakahalaga na ng ilang milyong piso habang ang ilang luxury clothes naman nito ay nagkakahalaga ng mahigit 50,000- 200,000 pesos!



Kaya naman napakarami ng tao ang natulungan ni Heart lalo na ang mga kapos palad. Hindi alam ng karamihan na madalas mag-abot ng tulong ang aktres sa mga nangangailangan ng hindi niya ito ipinapaalam sa social media.

Kamakailan nga lamang ay napag-alaman ng mga netizens ang kabutihang ginawa ng aktres para sa mga batang hirap sa pag-aaral lalo na ngayong panahon ng pandemic.

Inanunsiyo ni Heart sa kaniyang Twitter account na mamimigay siya ng libreng tablet gadgets sa mga batang hirap makapag-aral ngayong quarantine dahil sa online classess ng eskwelahan.


Napakaraming mga magulang ang hindi kayang bumili ng gadget para sa kanilang anak para lang makapag online class kaya naman ito ang naisip na paraan ni Heart upang makatulong sa mga bata.


“For those who don’t have tablets for online school please dm me on Instagram… I will be giving away as much tablets as I can,” ito ang saad ng aktres sa kaniyang Twitter Account.

I will be personally messaging each one… please bear with me because 2 lang kami ang gagawa nito.

Isa si Heart Evangelista sa mga pribadong organisasyon na nakapagbigay na ng mga donasyon at giveaways sa mga pamilya na may mga anak na kinakailangang mag-aral subalit walang access sa teknolohiya dahil sa kahirapan ng buhay.

Ang Online Classes kasi ang naisip na paraan ng ating pamahalaan upang maipagpatuloy ang learning activities ng mga bata habang naka-quarantine ang mga ito. Nais kasi nilang matuto ang mga ito habang walang pasok upang sila ay hindi mahuli sa kanilang mga leksyon.


Subalit dahil marami sa ating bansa ang walang kakayahan na gumastos para lang sa teknolohiya, maraming mga bata ang hindi nakakasunod sa online classes na ito.





Kaya minabuti ng aktres na mag-donate ng tablet gadgets sa mga bata upang kahit papaano ay makasunod sila sa kanilang mga leksyon at makapag-aral sa pamamagitan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *