John Estrada, Nagmamay-ari ng Napakalaking Mansion sa Loob ng Isang Mamahaling Country Club

Karamihan sa mga artista ay sa siyudad naninirahan upang mabilis silang makarating sa set ng kani-kanilang pinagta-trabahuhang proyekto, ngunit kung bakasyon ang pag-uusapan ay marami sa kanila ang may kanya-kanyang bahay bakasyunan sa iba’t-ibang mga probinsya.



Isa sa mga ito ay ang aktor na si John Estrada na mayroong magandang bahay bakasyunan sa isang golf and country club sa may Dasmariñas, Cavite.

Image courtesy: Instagram/john_estrada

Dugo, pawis at luha umano ang naging puhunan ni John sa magarang bahay na ito na tinuturing niyang “dream house”.

Image courtesy: Instagram/john_estrada





Makikita ang iba’t-ibang parte ng bahay sa mga litrato na ibinabahagi ng aktor sa kanyang Instagram account tuwing namamalagi ito roon kasama ang asawang Brazilian model/beauty queen na si Priscilla Meirelles at ang kanilang 8 taong gulang na anak na si Sammanta Anechka.

Image courtesy: Instagram/john_estrada

Agaw-pansin ang pagiging maaliwalas ng kanilang bahay dahil sa malalaking bintana at mga pader na gawa sa salamin na nagbigay daan upang makapasok ang natural na ilaw sa loob tuwing umaga.

Image courtesy: Instagram/john_estrada

Image courtesy: Instagram/john_estrada




Image courtesy: Instagram/john_estrada

Hilig ng mag-anak ang magpalipas oras sa kanilang swimming pool o kaya naman sa kanilang living room kung saan nanonood ang mga ito sa malaki nilang telebisyon.

Image courtesy: Instagram/john_estrada
Image courtesy: Instagram/john_estrada

Makikita rin mula roon ang magandang view ng golf course sa paligid na siyang nakadadagdag sa nakaka-relax na pakiramdam sa loob ng bahay.

Image courtesy: Instagram/john_estrada

Doon mismo sa bahay na iyon nagdiriwang ng mahahalagang okasyon ang pamilya kagaya na lamang ng pasko kung kailan nakakasama rin nila ang mga anak ni John na sina Inah, Moira, Kaila at Yuan sa aktres na si Janice de Belen na siyang unang asawa nito.


Image courtesy: Instagram/john_estrada
Image courtesy: Instagram/john_estrada

Taong 2004 pa nang mapasawalang-bisa ang kanilang kasal at masaya ang aktor na nakakapag-usap na sila nang maayos ng dating asawa tungkol sa kanilang mga anak, dahil rito ay malayang nakakabisita ang mga ito sa kanya tuwing nangungulila sila sa isa’t-isa.

Image courtesy: Instagram/john_estrada

Image courtesy: Instagram/john_estrada




Sa kabilang banda naman ay tila hindi alintana ng aktor ang pagkakaroon ng lockdown dahil nagkaroon ito ng oras para makasama ang kanyang mag-ina sa mga nakalipas na buwan habang inee-enjoy ang kaniyang napakalaking bahay sa Cavite.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *