Nakaka-touch ng Puso ang Security Guard na Ito na Tinuturuan ang mga Bata na Magsulat at Magbasa Habang Walang Ginagawa sa Kaniyang Naka-Duty

Isang Security guard sa isang branch ng Palawan Pawnshop na malapit sa Arellano University ang namataan ng isang netizen na nagtuturo sa mga batang kalye na kamakailan nag-viral sa social media dahil marami ang natuwa sa kaniyang kabutihang puso.



Ayon sa nasabing post, walang gaanong tao sa nasabing pawnshop sa mga oras na iyon kaya naman tila naging isang guro ang guard na ito sa bata sa mga oras na libre ito.

Tinuturuan niya ang mga ito kung paano magbasa at sumulat kagaya ng mga simpleng

gawain kung tutuusin na karaniwang napag-aaralan ng mga bata sa eskwelahan kaya lamang ay hindi natutunan ng mga ito dahil sa hirap ng buhay.

Sa pamamagitan ng ilang mga litratong nakunan ni John Robert Flores ay nasaksihan ng mga tao ang pagmamagandang loob ng guard na kaluanan ay nakilalang si Renz Abelita.

Napadaan lamang umano noon si John kasama ang kanyang mga kaibigan nang mapansin ang ginagawa ng guard at ng mga bata.




Sa mga larawan ay isang bata lamang ang nakunang tinuturuan ni Renz, ngunit ayon kay John ay mas marami pang mga bata ang nakita nila nang araw na iyon, kaya lamang ay hindi na nila nakunan ng litrato ang iba.

Saludo si John sa kabutihang ipinamalas ng butihing guard sa mga batang ni hindi nito kaano-ano at gayun na rin ang libo-libong netizens na nakakita sa nag-viral na post.

Maliit na bagay man para sa iba ay tiyak na malaki ang epekto niyon sa mga paslit na natuturuan ni Renz, kaya naman hiling ng marami na mas bumuhos pa ang biyaya sa mga katulad nitong hindi nag-aatubiling tumulong sa mga nangangailangan.


Sa kabilang banda, naging mitsa kahit papaano ang nasabing post sa debate ukol sa nais ipatupad ng Department of Education (DepEd) na distance learning at pagka-klase online ng mga estudyante ngayong darating na school year.

Ilang mga netizens ang hindi sang-ayon rito dahil kagaya ng mga batang tinuturuan ng security guard na si Renz ay maraming mag-aaral ang walang kakayahan upang mabili ang mga kakailanganin para sa online schooling.




Para naman sa iba ay isang patunay si Renz na ang kahit sinong magulang ay maaaring maging guro ng kanilang mga anak kahit pansamatala lamang habang hindi pa bumabalik sa dati ang lahat dahil sa banta ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *