Walang Pusong Landlady, Tinanggalan ng Bubong at Pinto ang Buntis na Renter na Hindi Nakabayad ng Upa Dahil sa Quarantine

Galit na galit ang mga netizens sa isang walang pusong nagpapa-upa o landlady na ito dahil tinanggalan niya ng bubong ang isang buntis na renter na hindi nakapagbayad ng upa gawa ng nangyaring krisis sa ating bansa.



Hindi raw nakabayad agad ng rent ang netizen na si Czairra Alliyah Cheng na Tiga Caloocan, Metro Manila dahil sa ikinaharap na krisis ng ating bansa at naiwan ito sa kaniyang inuupahan habang ang kaniyang asawa naman ay na-lockdown sa Bulacan mula ng ipatupad ang quarantine.

Subalit ang landlady na ito na kinilala sa pangalang ‘Aling Tess’ ay tila galit na galit kay Alliyah dahil hindi ito nakabayad ng upa kaya naman bilang parusa ay tinanggalan niya ito ng bubong at ng pintuan.





Nang sinubukang pakiusapan ng mga kapitbahay si Aling Tess ay nagalit pa raw ito at nais pang saktan si Alliyah gamit ang cord ng rice cooker.

Sa awa ng mga kapitbahay ni Alliyah, tinulungan nila ito na ilipat ang kaniyang gamit upang hindi mabasa ng ulan at pansamantalang pinagtagpi-tagpi ang bubong at nilagyan ng temporary na pintuan.

Kasalukyan kasing buntis si Alliyah kaya hindi rin siya maaaring magbuhat ng kaniyang mga gamit.

Sinubukan rin pakiusapan ng kaniyang mga kapitbahay ang landlady subalit galit na galit ito kaya naman bilang pruweba sa ginawang kamalditahan ng landlay ay kinuhanan ito ng video upang maipakita sa Barangay at magsampa ng reklamo sa pagtrato nito kay Alliyah.

“Gusto ko ng i-voice out kung gaano katindi at kasama ang may ari ng inuupahan namin. Makikita niyo sa video na pinababaklas ang bubong (take note pati po pinto pinatanggal niya). Dahil di makabayad sa upa ganyan ginagawa niya!
Hindi na kayo makatao buntis at may anak na maliit yung tinanggalan niyo! Wala yung asawa dahil nalockdown sa bulacan!…



Dahil di kami makatiis sa pamamalakad nila pinaabot na namin sa barangay ito at nakakuha na ng brgy. blotter certificate of action dahil gusto namin makaabot sa kinauukulan to…

Ps. Halos hampasin niya ako ng wire ng rice cooker dahil daw sa pagtatanggol ko sa mga tao… Wala akong utang sa bahay! Palibhasa wala siyang puso,” caption nito sa video post.

Ayon sa Republic Act No. 11469 na “Bayanihan to Heal as One Act” na nagsasaad na magbibigay ang mga landlords ng minimum 30-day grace period sa mga residential rents mula ng magsimula ang enhanced community Quarantine. Ito ay isang tulong para sa mga taong nangungupahan na hirap sa paghanap buhay at pagbayad ng renta ngayong lockdown.



Maraming galit na galit na mga netizens sa walang pusong landlady na ito. Hindi na raw dapat niya tinanggalan ng bubong at pinto ang bahay dahil nakakaawa ang sitwasyon ngayon ng babae dahil kasalukuyan itong buntis at malayo ang kaniyang asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *